Kasi ‘tong movie na ‘to ang isa sa mga nagturo sa’kin ng importanteng lesson na nakatulong sa’kin para magkaron ng success at makapag-create ng result.
Bago ko sabihin kung ano yung title ng movie na yun, kwento ko muna sa’yo yung time na pinasok ng mga magnanakaw ang apartment namin…
Medyo madrama at mahaba ‘tong ikukuwento ko ngayon.
Pero promise ko sa’yo, ‘pag binasa mo ‘to, pwedeng magkaron ng malaking impact ‘to para sa’yo at para sa business mo.
Ito na…
Simula nung bata pa lang ako… super mahiyain na ‘ko.
Bihirang-bihira ako makipag usap. Ilan lang din ang mga kaibigan ko sa klase.
Sa school, hindi ako nagtataas ng kamay. Kasi feeling ko maninigas ako na parang bato pagmagsasalita ako sa harap ng tao.
Wala akong self steem at… wala akong bilib sa sarili ko.
Ako yung tipo na parang walang mararating at walang maa-achieve sa buhay.
Hindi Makapaniwala Ang Lahat Sa Nangyari.
Fast forward… 8-10 years later!
Nagsimula akong mag-abroad (Nasa Bahrain ako that time)
Nagtrabaho ako for 5 years sa Bahrain as a musician (Bass guitar player).
Isang gabi, habang tumutugtog kami ng mga kabanda ko sa stage…
nakatanggap kami ng text na pinasok at ninakawan daw yung tinitiran naming apartment.
Grabe pagmamadali namin.
Sumakay kami kagad sa service van para makabalik sa apartment.
Pagdating namin sa apartment, wask yung pinto sa harap, at gulo gulo lahat ng mga gamit.
Sira rin yung door knob ng kwarto ko at nakita ko na nakabukas na yung maleta ko.
Ang katangahan ko… iniipon ko lahat ng mga perang kinikita ko at nilalagay ko lang lahat sa maleta (Wala pa kong alam sa mga bangko-bangko).
Lahat ng pinagpaguran ko, lahat ng mga naipon kong pera, pati mga mahahalagang gamit at electronics…
…NAWALA lahat ng parang bula!
Natulala ako ng matagal.
Parang nanglambot yung tuhod ko.
Nakita ko yung ibang mga kabanda ko… umiiyak.
Hindi kami makapaniwala sa nangyari.
Wala ring magawa ang management dahil walang CCTV at wala ring tao dun sa buong building para maging witness.
I feel hopeless that time.
Mahigit 1 year na effort… nawala ng bigla.
Advice Na Hindi Ko Makakalimutan
Mabait pa rin si God dahil may mga customers at mga kaibigan kami na nag-provided ng tulong financial.
Tapos yung isang kaibigan namin, kinausap n’ya ko at binigyan n’ya ko ng ilang mga advice.
Tapos may kinuwento s’yang isang pelikula.
Sci-fi yung movie at futuristic ang setting.
Dun sa movie, pagkasilang pa lang ng mga baby, kukuhanan kagad sila ng blood sample. At malalaman kagad ng mga doctor kung malakas ba o mahina ang pangangatawan ng baby na yun.
Nalalaman kagad nila kung magkakaron ba ng kahit anong sakit ang baby na yun paglaki (Ex: sakit sa puso, cancer, etc.).
At nalalaman rin nila kung gano ang itatagal ng buhay ng baby ba yun.
Nalalaman kagad nila kung 30 years lang o 40 years lang ang life span ng baby na yun.
Tapos may discrimination.
Tanging mga tao lamang na may malakas napangangatawan at may mahabang life span ang binibigyan ng chance na magkaron ng magandang trabaho at magandang future.
Ang tawag nila sa mga tao na ‘to ay VALID.
At ang mga VALID lang rin ang pinapadala sa Gattaca. Isa itong moon ng planet Saturn kung saan andun lahat ng mga pinaka successful na tao.
Kapag naman maikli lang ang buhay mo at kapag sakitin ka, sigurado ang bagsak mo ay mababang trabaho at mababang estado.
Ang tawag nila sa’yo ay INVALID (Grabe sa discrimination noh?).
May isang lalaki na invalid at ang pangalan n’ya ay Vincent.
Pagkasilang pa lang n’ya nalaman kagad ng lahat na may sakit s’ya sa puso at hanggang 30 years lang ang life span n’ya.
Dahil INVALID s’ya, ang naging trabaho n’ya ay isang janitor.
Pero simula pa lang nung bata s’ya, pangarap na n’ya ang makapunta sa Gattaca.
Gustohin man n’ya, napaka imposible na makapunta s’ya dun dahil bago ka makapunta sa gattaca, may matagal na training kang pagdadaanan.
At dun sa mga training na yun, araw-araw ka nilang kukuhaan ng blood sample, araw araw nilang hihingin ang urine sample mo, para makasigurado sila na tanging mga VALID na tao lang ang makapunta sa Gattaca.
Pero walang makakapigil sa gusto ni Vincent.
Kung ano-anong mga paraan ang ginawa n’ya.
Marami s’yang mga naging challenges.
Marami s’yang mga naging obstacles.
Pero hindi s’ya nag-give up.
At ginawa n’ya LAHAT ng paraan para makapunta sa Gattaca.
Kahit sinabi ng mga tao na hindi n’ya kaya.
Kahit sinabi na mga tao na hindi s’ya deserving.
Ang ginawa n’ya ay NANIWALA s’ya sa sarili n’ya.
Walang nakapigil sa kanya para maabot yung pangarap n’ya.
NANIWALA s’ya na kaya n’ya.
At nangyari ang isang bagay na imposible.
Nakapunta s’ya sa Gattaca.
Ang title nung movie ay GATTACA. (starring Ethan Hawke and Ema Turman)
Panoorin mo rin magandang movie.
Balik tayo kay Bob…
Pagkatapos ikwento ni Bob ‘tong movie na ‘to, tinanong n’ya ko…
What is your star? (Ano daw ba ang pangarap ko?)
Honestly, nung time na ‘yun wala akong matinong nasagot sa kanya kasi wala pa talaga kong malinaw na pangarap sa buhay nuon.
Pero sinabi n’ya rin sa’kin na kahit ano pa yung star (pangarap) ko na ‘yun, may mga challenges daw na darating sa buhay ko.
(Siguro sinabi n’ya yun para i-motivate ako at para maintindihan ko na challenges lang yung nangyari samin na nawalan kami.)
Pagtapos hinawakan ako ni Bob sa balikat, at tinignan n’ya ko sa dalawang mata.
He told me something profound na hinding hindi ko makakalimutan.
“Eduard…Never ever stop reaching for your star! You can achieve anything that you dream”
This Bob guy, hindi ko s’ya kalahi (Taga US s’ya pero parang German ang apelido).
Hindi ko rin s’ya gaanong kilala (regular customer lang namin s’ya).
Pero he inspired me, and most importantly… He believed in me.
And that belief… Yun ang nagbigay sa’kin ng dahilan para maniwala rin ako sa sarili ko.
It empowered me to achieve things. Great things!
Yung mensahe na bingay n’ya sa’kin ay naging malaking key ingredient para sa mga results na nakukuha ko.
Fast forward today sa business, nagkakaron pa rin ako minsan ng self doubt, marami ring challenges na dumarating.
Pero alam mo ba, natatandaan ko lang palagi yung sinabi ni Bob, and BOOOM I will feel unstoppable.
Ang Mensahe Na Ipapasa Ko Sa’yo
Ngayon gusto kitang tanungin…
Ano ang star mo?
Ano yung mga pinaka pinapangarap mo sa buhay?
Ang mensahe na gusto kong ibigay sa’yo ay ito…
Kahit na pakiramdam mo ay parang imposible para sa’yo na makuha ang mga pangarap mo…
Kahit pakiramdam mo na parang nasa pinaka lowest point ka ngayon ng buhay mo…
Kahit minsan pakiramdam mo ay wala ka ng bilib sa sarili mo…
Kahit hindi man tayo personal na magkakilala…
Andito ko at sasabihin ko sa’yo na – I BELIEVE IN YOU!
YES! I Believe In You.
I believe that YOU can achieve anything. Great things!
I believe you can achieve more than what I achieved.
Kaya mong maabot lahat ng gusto mo, basta wag na wag kang hihinto para abutin yung STAR mo.
Wag na wag kang mag-gi-give up na makuha kung ano man ang mga pangarap mo.
The message I want to give you is the same message I got from a stranger more than 8 years ago.
At sana matandaan mo rin palagi itong mensahe na ‘to everytime na may mga challenges na darating sa buhay mo.
…“Never ever stop reaching for your star.”
Your Friend To Freedom,
– Richard John Flores
Comment Below!
PS - Kung may napulot at natutunan ka dito sa post na 'to, please Click Like and make sure to Comment Below...
No comments:
Post a Comment