Tuesday, April 7, 2015

How To Make Your Dreams A Reality

How To Make Your Dreams A Reality

As Inspired True Story From One of My Mentor and Coach, Eduard.
A Must Share:




Muntik na kong mapahamak…
Isang araw pauwi ako ng bahay. Sumakay ako ng bus galing Philcoa (Malapit sa Q.C. Memorial Circle)
Pagsakay ko sa bus, ang pinili kong upuan ay yung pang tatluhan. Pinili ko yung bakante para wala akong katabi at relax ang byahe.
Wala pang isang minuto kaming umandar, huminto ulit yung bus kasi may sumakay na istudyante.
Mukang sa UP Diliman nagaaral.
Pagkasakay nung binata, sabay din na may mga lalaking tumayo na parang papara at bababa.
Mga nasa lima yung lalaki, puros matatangkad at malalaki ang katawan. Parang bouncer pa yung dalawa.
Parang sinalubong nung limang lalaki habang papasok yung istudyante sa gitna ng bus.
Kaya nagkagitgitan pa sila at naipit sa gitna yung istudyante.
Tapos kinutuban na ko, sa isip ko sabi ko baka mandurukot ‘tong mga ‘to ah. O kaya mas worst baka mga holdaper ‘tong mga gago na ‘to.
Tapos ito na…
Hindi pa nakakaupo yung istudyante nagsalita na s’ya ng… “Cellphone ko…Celphone ko?!… Asan na???”
Mukang nadukot na yung cellphone ng kawawang bata. Tsk tsk tsk.
Simula na silang makaagaw ng pansin ng ibang mga pasahero. Parang nagkakagulo na nga eh.
Pero tuloy pa din ang takbo ng bus at hindi pa nakakababa yung lima.
Parang naalarma din silang lima nung nagsalita yung istudyante. Hindi sila lahat mapakali.
Yung isang kasama nila na mukang bouncer biglang tumapat sa inuupuan ko, sinenyasan ako na umusog daw ako dahil uupo sya.
Napatulala ako at di ako nakakilos. Nakita ko kasi na parang may hawak hawak sya sa loob ng jacket nya. Baka baril o panaksak.
Hindi ako umusog kasi iniisip ko baka tutukan ako nito. Baka holdapin ako nito. Dala ko pa naman hung bagong tablet ko tsaka P10,000 na cash na pang gastos namin ng pamilya ko.
Inimagine ko na kagad kung ano bang gagawin ko kung sakaling magdeclare ng holdup tong mga tarandtadong to.
Ginigitgit pa din ako nung isang mama pero di talaga ko natinag.
Lalaban ba ko o ibibigay ko na lang yung last money ko pati yung bagong tablet ko.
Buti na lang at salamat sa Diyos at pumara na yung isa nilang kasama at nagbabaan na ang mga loko.
Pagtapos nila bumaba, nagsimula nang magingay at magusap yung ibang pasahero ng bus, “Mga holdapper yun”…”Mga mandurukot”
Sabi naman nung kundoktor… “Wala kaming magawa kasi kami ang babalikan ng mga ‘yan ‘pag pumalag kami.”
Yung istudyante parang napariwara… Panay pa din ang sabi ng “Cellphone ko?!… Cellphone ko!”.
Parang gusto pa nga n’yang bumaba para habulin yung mga lalaki.
Buti na lang may pumigil sa kanya, kasi baka napano pa s’ya.
Ako naman ahhhmm…
Natulala ako ng ilang minuto.
Medyo shock as nangyari.
Inisip ko kung anong pwedeng ibang nangyari.
Pano kaya kung tinutukan ako tapos naglaban ako?
Dun ko talagang nasabi sa sarili ko na…
“Ayaw ko na talagang mag-commute!”
Kaylangan ko na talagang magkaron ng sarili kong sasakyan.
2 beses na din akong na slash-an ng bag at nakuhaan ng cellphone dati. Nung high school ako tsaka nung time na galing akong trabaho.
2 beses na din ako nadukutan. Isa sa Cubao at isa sa Baguio.
Lahat ‘yun dahil sa pagko-commute.
Tapos ngayon naman nalagay pa sa peligro ang buhay ko.
Ayaw ko ng malagay sa panganib ang buhay ko o ang buhay ng pamilya ko.
Kaya talagang nagpursige ako na magkaron ng sarili kong sasakyan.
Fast forward today, I’m blessed and thankful na nakapag pundar na kami ng 2 sasakyan dahil sa’king online business.

Isa dun ay sports car. Isa sa mga dream car ko.
Picture of my new baby…
Marami ang mga nagtatanong sa’kin…”Pano ko ba makuha ang pangarap ko?”
Ito yung ginawa ko at ito lang din yung kaylangan mong gawin:

1. You Need To Be Obssesed About Your Dreams

Kaylangan maging obsessed ka na makuha kung ano man yung pangarap mo. Hindi pwede na gusto mo lang kasi wala lang.
Kaylangan maramdaman mo na hindi ka kumportable hanggat hindi mo nakukuha yung pangarap mo.
Tipong di ka makatiis, di ka mapakali at di ka makapag antay na mangyari ang pangarap na yun.
Sa sobrang pagka-obssed mo alam mo sa sarili mo kung ano yung eksaktong dahilan bakit mo gustong makuha ang pangarap na yun.
Kaylangan kaya mong maexplain sa ibang tao kung bakit mo gustong makuha ang pangarap mo na yun.

2. Combine These 2 Motivational Styles

Merong 2 klase ng motivation na magtutulak sa’yo papunta sa mga pangarap mo.
Una yung tinatawag na “Away Motivation Style”…
Ang isang mayaman at very successful na tao ay maaaring naging mayaman dahil ayaw nya lang mabuhay ng naghihirap.
Ang naging motivation n’ya ay lumayo sa circumstances na ayaw n’yang maranasan.
Your motivation is your desire to get AWAY from what you don’t like.
Isang exaple din nito ay dun sa kinuwento ko kanina.
Ayaw ko na din maranasan na malagay sa panganib ang buhay dahil sa wala kang sariling sasakyan.
Kaso may problema sa motivational style na ito.
Kapag nakaalis ka na dun sa circumstances na ayaw mo, maaaring ma-stuck ka na.
Wala na kasing magmo-motivate sa’yo papunta sa next level.
Pwedeng ma-blanko ka at hindi mo na alam kung anong next goal mo, o kung ano yung next purpose mo.
Yung isang motivational style na yun ay yung “Towards Motivation Style”…
Ito yung mangangarap ka na ng mas-malaki.
Ang isang businessman ay naging mas-successful dahil sa kanyang bigger purpose. Maaaring gusto n’yang makatulong at makapag lingkod sa maraming tao.
Ang isang athlete ay maaring naging champion dahil sa desire nya na maging pinaka magaling sa lahat.
This time, your motivation is your desire TOWARDS where or what you want to be.
In my opinion kaylangan pagsamahin mo itong dalawa na ‘to kung gusto mong ma-reach yung highest potential mo as an entrepreneur.
Yung “Away Motivation Style” ang unang magiging motivation mo para baguhin ang current lifestyle mo.
At yung “Towards Motivation Style” ang magtutulak sa’yo papunta sa mas-mataas na level.

3: Don’t Listen To Negative People

One time may nagtanong sa’kin kung plano ko daw bang bumili ng motor.
Ang sagot ko sa kanya “Ayaw ko ng motor, gusto ko kasi kotse”.
Sagot nya sa’kin… “Napaka ambisyoso mo naman! Pano ka makakabili ng kotse?”
Sagot ko na lang… “Basta.”
Tapos tinawanan n’ya ko.
In other words, hindi s’ya naniwala sa’kin.
Kanina nakita ko na-naglike s’ya sa facebook nung pinost ko yung new picture ng new baby namin. :D
Sa buhay mo maraming tao ang hindi maniniwala sa’yo.
Yung iba kokontrahin ka pa. Yung iba ide-demotivate ka sasabihan ka na hindi mo kaya.
I challenge you to prove them all wrong.
At pasalamatan mo sila in the future, ng dahil sa kanila mas na-push ka na kuhain ang mga pangarap mo.

4: Shut Up and Do It

Marami na ‘kong nakasamang mga pumasok sa business. Marami na din kong nakausap na mga taong may mataas na pangarap. Marami na kong naturuan at nabahagian ng mga natutunan ko.
Marami akong nakitang nag-falied, at meron din akong nakitang mga nag-succeed.
Naobserbahan ko na may isang katangian na nagse-seperate dun sa mga nagiging successful at dun sa mga nagfe-failed.
Yung mga nagfe-failed, ang bukang bibig ay… “EH KASI”
Lagi nilang paliwanag kung bakit wala silang resulta ay ang mga ito…
“Eh kasi wala akong time mag-market!”
“Eh kasi wala akong budget sa ads!”
“Eh kasi wala akong makausap na prospects!”
“Eh kasi hindi maganda yung product”
“Eh kasi walang nagtuturo sa’kin”
“Eh kasi wala akong blog!”
Kulang na lang sabihin nila na “Eh kasi bata”
Yung mga nagiging successful naman.
They f*cking believe in themselves.
Meron at mataas ang tiwala nila sa sarili nila.
Ayokong maging isa ka sa mga nagsasabi ng “Eh kasi”.
Gusto ko ikaw yung payaman… Palaban at may paniniwala sa sarili.
Kung ikaw hindi mo magawang maniwala sa sarili mong kakayanan at abilidad, pano mo pa magagawang paniwalaan ka ng ibang tao?
Magsisimula ang lahat sa’yo.
Pano mo magagawang tumaas ang bilib mo sa sarili mo?
Be consistent sa pag aaral mo ng mga bagong knowledge at skills.
Maging consistent ka sa pagbasa ng ibat-ibang libro, panonodd ng mga training videos na magbibigay ng knowledge at skills sa’yo para maging successful.
Be consistent din sa pag take ng action at sa pagkuha results. Kahit small results lang sa simula.
Pagnakaka-experience ka kasi ng resulta, kahit paunti-unti pa lang sa simula, yun ang magpapatibay ng tiwala mo sa sarili mo.
Hanggang darating yung point na feeling mo ikaw na si superman at feeling mo na ay kaya mong ma-achieve ang kahit ano.
I’ve been there. Nagsimula ako sa wala (At dumating ako sa point na walang-wala)
Naranasan ko ang ibat-ibang rejactions, ibat-ibang frustration, ibat-ibang failure at trial and error.
Itong shinare ko sa’yo sa blog na ito ang ginawa ko para makuha yung mga pangarap ko.
Pero hindi pa ko tapos dahil nagsisimula pa lang ako. Marami pa kong gustong ma-achieve.
Listen to me… My point is anyone can achieve anything in life.
Kaya mong makuha ang kahit na anong pinapangarap mo sa buhay.
Hindi importante kung ano pang background mo, kahit saan ka pa nanggaling, o kung ano man.
Ako isa ‘kong undergrad, walang background sa kahit anong business at galing sa buhay hirap.
YOU can create success for yourself as long as you have a strong belief in yourself, as long as willing to work HARD for it and as long as you faith in God that he will provide.
I wish you great guidance from above.
I wish you great success in your business.
And I wish na makuha mo ang pangarap mo.
Just stop complaining and start doing it.
Go make your dreams your reality!

P.S. - Let me know kung ano masasabi mo dito sa nabasa mo, mag-comment ka sa baba, at kung may napulot ka dito sa blog post na ‘to pwede mo din ‘tong i-share.
P.P.S. - Kung part ka ng aming Ignition Marketing Team, make sure na ipabasa mo ang post na 'to sa mga partners natin.

No comments:

Post a Comment